Sinigang na Isda
Photos and Instructions by Johnard.
How to make Sinigang na Isda (Fish in Sour Broth)
Step 1: Walang bangus so pampano na lang. Why? Kasi pareho ang lasa ng belly (taba) nila.
Step 2: Hiwain nang pa-slant ang isda para hindi lahat ng tinik mapunta sa isang hiwa lang. Kawawa naman iyong makakuha ng ulo.
Step 3: Ilagay sa kaserola at lagyan ng tubig hanggang sa lumubog ang isda.
Step 4: Lagyan ng asin. Gaano kadami? Tantyahin na lang… Minsan sa tantyahan sumasarap ang luto.
Step 5: Lagyan ng kamatis at dahon ng sibuyas.
Step 6: Takpan at pakuluin at manuod kay Frankie at Cindy.
Step 7: Pag nakulo na, for sure malambot na ang isda… lagyan ng sinigang mix. Walang sampalok or kamias kaya mix na lang. Gaano kadami? Again, tantyahin mo na lang.
Step 8: Hugasan ang petchay or bokchoy, at ihalo sa isda. Mas masarap kung hindi lata ‘yung gulay 🙂
Step 9: Higupin ang sabaw at kainin ito kasama ang pamilya mo 😉
English translation of this fish sinigang recipe will be provided after the website upgrade. Please check back, and thanks for your patience! 🙂