Sarsa
Narito ang isang uri ng sarsa na madaling ihanda at angkop maging sawsawan ng hinurno o ipiniritong karne, isda, hipon o nilagang itlog.
MGA SANGKAP
2 kutsarang mantekilya
1 Maggi Chicken Bouillon
1 kutsarang langis ng oliba
1 puswelong tubig
1 sibuyas, tinadtad
l dahon ng laurel
2 kutsarang gawgaw
2 klabo de komer
3/4 na puswelong hinebra
1 kutsarang parsley, tinadtad
Ilagay ang langis at mantekilya sa isang kaserola. Igisa ang sibuyas. Bayaang mula sa 3 hanggang 5 nminuto.
Tunawin ang gawgaw sa alak. Isama sa sibuyas. Durugin ang bouillon sa tubig at isama sa ginisang sibuyas. Idagdag
ang laurel, klabo at parsley. Bayaang kumulo nang 30 minuto.
Ihaing kasama ang inyong paboritong inihaw o pinirito o hinurnong isda, hipon, karne.