Pitson
The word pitson is from the Spanish pichón.
Below is an old Tagalog recipe for cooking a squab, which is a young unfledged pigeon.
Maglagay ng mantika sa isang balanga o kawali.
Kapag mainit na ay hulugan ng dalawa o tatlong butil na bawang at ilang pirasong tinapay.
Kapag nagtataglay na ng mabuting hitsura ay hanguin.
Isunod ang pitsong buo o piraso, pamulahin sa mantika, haluan ng kaunting paminta at katiting na “clavo de comer” at saka sabawan ng tubig na mainit.
Kapag kumulo na ng ilang sandali ay isama ang mga hinangong bawang at tinapay na dinikdik na mabuti at nilusaw sa kaunting tubig na mainit, at asin.
Hayaang maluto hanggang lumambot nang maigi.