Pili
Pili is the name of a nut that’s native to maritime Southeast Asia.
Its scientific name is Canarium ovatum.
Recipe in Tagalog for “Sopa de Pili”
Mga Sangkap / Ingredients
1 pound pili
2 tasang sabaw ng nilagang manok
2 onsang margarina
1 tasang gatas
1 kutsaritang asukal
asin at paminta
Mayroon nang nabibiling pili sa mga tindahan. Ito ay mura lamang.
Magpakulo ng tubig. Ilagay ang pili at hayaang kuluan ng ilang sandali. Alisin ang balat nito. Ilagay sa kaserola na may sabaw ng nilagang manok. Pakuluan ng 45 minuto.
Durugin ang pili at salain. Ibalik sa kaserola ang nilaga at sinalang pili at samahan ng margarina, gatas, asukal at asin at paminta nang ayon sa inyong panlasa.
Lagyan ng betsin.
Painitin nang bahagya at ihain na may kasamang biskuwit o tinustang tinapay.
Needs a better picture… nuts with a darker glaze… and also perhaps a photo of the raw nuts.