Pie na Mangga
Recipe in Tagalog for Filipino Mango Pie
Mga Sangkap
5 puswelong arina, sinala
4 na kutsaritang asukal
1/2 kutsaritang asin
1/2 kutsaritang baking powder
1 1/2 puswelong langis pamprito
2 pula ng itlog
tubig
Salaing magkakasama ang arina, asukal, asin at baking powder. Ihalo ang langis at huwag tigilan ang paghihiwa sa masa hanggang maging butil-butil.
Batihin bahagya sa puswelong-panukat ang pula ng itlog at dagdagan ng tubig na malamig upang makabuo ng 1 puswelo. Ihalong unti-unti sa masa, hanggang sa maging pino. Kunin ang kalahati at ilatag sa isang jelly roll pan na many sukat na 15 1/2 x 10 1/2 pulgada.
Ihanda naman ang palaman.
5 puswelong mangga, hiniwa (20 manggang hinog na sariwa o 5 lata kung nakaimbak)
1/2 puswelong asukal repinado
1/2 puswelong asukal na pula, siksik
1 kutsaritang pulbos na kanela
1/4 na kutsaritang asin
frosting (1 puswelong asukal at 1 kutsarang gatas)
Kung gagamit ng manggang naka-lata, patigising mabuti. Pagsama-samahin ang asukal na repinado, asukal na pula, kanela at asin.
Ilagay ang kalahato ng mgangga sa ibabaw ng masa na nasa liyanera.
Ibudbod sa ibabaw nito ang magkahalong asukal.
Ipatong ang nalalabing mangga at ibudbod ang kalahati ng asukal.
Ilatag ang kalahati ng masa at ipatong sa nasa liyanera.
Tiyakin na magkasalikop na mabuti ang mga gilid ang pisil-pisilin upang magsara.
Pahiran ng gatas ang ibabaw at budburan ng asukal.
Tusuk-tusukin ng tinidor ang ibabaw o gilit-gilitan, tulad sa karaniwang paggawa ng pie.
Ipasok sa hurnong pinainit muna sa 400 F. Bayaang 50 minuto. Kapag luto na ay palamigin.
Pagsamahin ang asukal na repinado at gatas upang makabuo ng manipis na frosting. Ipahid sa ibabaw ng pie.