Pialang
This dish usually involves fish, sometimes chicken. English translation of the recipe will be posted after the website update. Please check back!
Mga Sangkap Para Sa Pialang
1 isdang kainaman ang laki, o kalahating manok na hindi naman kalakihan
Ang lahat ng gatang makuha sa isang niyog
1 pulgadang luyang pinitpit
Kaunting pulbos ng dilaw o kalawang
1/2 sibuyas na tinadtad
kaunting paminta
4 na daling parisukat na laman ng niyog na tinusta at saka ginayat na pira-piraso
Sa isang kasirola’y ilalagay na lahat ang mga ito at hahaluin, timplahan ng asin at isasalang sa apoy o ningas hanggang sa lumambot ang isda o maluto.