Patalbog
Pakbit o Patalbog
Hugasang mabuti ang iba’t ibang gulay, gaya ng gabe, kalabasa, talong, okra, sitaw, bataw, ampalaya, kangkong at talbos ng kamote.
Ilaga ang mga itong sama-sama sa isang lutuan at pakuluin. Lagyan ng bagoong na isda, bayaang maluto at huwag hahaluin.