Pansit ng mga Tagalog
MGA SANGKAP NG PANSIT
4 na kutsarang mantika
6 na itlog na nilaga at hiniwa nang pahaba
4 na balumbon ng dahong sibuyas na pinutul-putol
4 na alimasag na hinimay
1 kilong mike
8 kalamansi
4 na tasang hipong tuyo (hibe)
1/2 pinggan ng kutsay
3 ulong bawang na dinurog
Sibuyas na hiniwa
1 1/2 kilo ng baboy na hiniwang maninipis at pinakuluan
Himayin ang hipon at alimasag. Dikdikin ang balat ng mga ito at ibabad sa tubig.
Lamasing mabuti at pagkatapos ay salain at itabi.
Prituhin ang mga bawang at itabi.
Mag-iwan ng kaunti sa kawali at isama rito ang sibuyas at pagkatapos ang hipon at kutsay.
Isunod ang baboy, lagyan o timplahan ng patis at ibuhos ang sabaw ng hipon.
Haluing panay upang huwag mamuo ang sabaw.
Pagkulo ay ihulog ang laman ng alimasag at sabaw ng baboy na pinakulo.
Ilagay ang mike at ang ginayat na dahong sibuyas.
Pagkakulo ay ilipat sa bandehado, lagyan o timplahan ng patis, at ibuhos ang sabaw ng hipon.
Haluing panay upang huwag mamuo ang sabaw.
Pagkulo ay ihulog ang laman ng alimasag at sabaw ng baboy na pinakulo.
Ilagay ang mike at ang ginayat na dahong sibuyas.
Pagkakulo ay ilipat sa bandehado, lagyan ng hiniwang itlog, piniritong bawang, kaunting huansoy at ilang hiniwang kalamansi.