Palaka
Palakang kabkab na lutong Pangasinan.
MGA SANGKAP / INGREDIENTS
12 palakang kabkab na malalaki
1/2 niyog
1 sibuyas
Pagkalinis na mabuti ng palakang kabkab ay ilalaga na may kalahok na sibuyas sa ikatlong bahagi ng isang basong tubig, at pagluto na ay lalahukan ng gata ng niyog. Titimplahan ng kaunting asin at kapag napakuluang makalawa ay maihahain na ang luto.
English translation of this frog dish will be added soon!