Labanos
The Filipino word for “radish” is labanos. It is the white slender daikon-type radish that is most prevalent in the Philippines, rather than the small red round ones.
Labanos is often used in fresh salads or as an ingredient in stews like sinigang.
Lumpiang May Halong Ubod Ng Niyog o Labong
1 pinggang ubod ng niyog 1 pulgada at isang sentimetro ang kapal (kung wala nito ay magagamit din ang labong)
1 pinggang maliit ng labanos, ginayat ding gaya ng ubod ng niyog o labong
1 pirasong repolyong pinagputul-putol
1 pirasong tokwa kung mayroon
1 tasang hipong sariwa
1 pirasong manok na dalawang dali at tinadtad
3 kutsarang harina
3 kutsarang asukal
2 kamatis na ginayat at hinog
3 kutsarang toyo
1 tasang tubig
2 butil na bawang
1 pumpon ng kutsay
1 sibuyas
3 kutsarang mantika
1 kutsarang patis o asin
Magpabango ng bawang sa mantika at dito igisa ang kamatis at ang sibuyas. Para sa salsa ay ilahok ang lahat ng gulayin at iba pa, mailban ang tahuri at asukal, sapagka’t ito ang gagawing bukod na pinakasarsa. SAmakatuwid, tunawin sa dalawang kutsarang tubig ang tahuri at ang asukal at lutuin sa apoy sa loob ng limang minuto.
Inuugaling balutin ang lutong ito sa sadyang nabibiling balutan ng lumpia, na siyang karaniwang ihain kapag naghahanda ang mga Pilipino, at sa dulang natin ay siayng pinakapastel sa bangkete ng mga Europeo.
Maari rin namang idulot sa isang bandehado ang lutong ito kahit hindi ibalot, kasunod ang isang platito ng bawang na dinurog.