Kremang Espiritu
Upang maisagawa ito, maglagay sa isang litrong gatas ng 10 onsang asukal (20 kutsarang malaki), anim na kutsarang malaki ng harina.
Ilagay ito sa baga na walang usok; haluing palagi hanggang malutong maigi.
Pagkatapos ay palamigin upang tumigas, ataduhin ng isang manipis at matalim na kutsilyo, tigmakin ang bawa’t atado ng binating pula ng itlog at saka balutin ng binayong tinapay at ilagay sa kumukulong mantika.