Kinilaw Bisaya
Recipe in Tagalog for Kinilaw Bisaya.
Ihawin ang talong. Ilubog sa tubig na malamig at talupan. Alisin ang dakong may buto. Tadtarin. Isama sa suka at luya.
Kunin ang gata ng niyog. Salain. Ihalo sa talong. Isama ang sibuyas at kamatis. Budburan ng sibuyas na mura.
4 na talong
2 puswelong kinudkod na niyog
1/3 puswelong mainit na tubig, inihalo sa niyog
1/3 puswelong suka
dinikdik na paminta
1 kutsarang luya, dinikdik
1 kutsarang luya, hiniwang maliliit
4 na kamatis, hiniwa
2 sibuyas, ginayat
5 tangkay ng sibuyas na mura, tinadtad
asin
*
This recipe for Kinilaw Bisaya will be translated into English after the website upgrade. Check back! 🙂