Ginisang Burong Mustasa
MGA SANGKAP / INGREDIENTS
3 puswelong burong mustasa (hiwa-hiwa)
1/4 kilong hipon
1 sibuyas
1 kamatis
1 itlog ng manok
2 butil na bawang
Igisa ang bawang, sibuyas, kamatis, at hipon.
Isunod ang burong mustasa, at makaraan ang ilang sandaling pagkulo sa mantika ay sabawan ng 1 puswelong katas ng hipon.
Haluin habang hindi kumukulo.
Timplahan ng asin.
Huwag bibiglain ang pagtitimpla pagka’t ang burong mustasa ay maalat.
Makaraan ang ilang sandaling pagkulo, ihalo ang binating itlog at hanguin.
Photos and English translation of this burong mustasa recipe will be provided after the website update. Thank you for your patience!