Ginataang Ampalaya
Mga Sangkap:
1 niyog
3 kainamang laki ng ampalaya
2 butil na bawang, dinikdik
asin na pampalasa
Paano Magluto ng Ginataang Ampalaya
Hugasang mabuti ang ampalaya at gayatin ng 3/4 na pulgadang parisukat pagkaalis ng mga buto.
Huwag huhugasan pagkatapos na magayat.
Gatain ang niyog sa 2 tasang tubig.
Lutuin ang gata na may dinikdik na bawang.
Pagka-nagsisimulo nang mamuo, ilagay ang ampalaya at patuloy na lutuin na hindi hinahalo, hanggang sa ang ampalaya ay maging malutong at malambot.
This ginataang ampalaya recipe will be translated into English after the website upgrade. Photos will be added too!