Estofado
Estopadong Pata ng Baboy
Magtimpla ng suka at tubig.
Ilagay ang pirapirasong hita ng baboy.
Lagyan ng sibuyas, bawang, paminta, oregano, bulaklak ng saging at mga hiniwang patatas.
Takpang mabuti hanggang lumapot at tumiim ang sabaw.
Dila ng Baka na Lutong Estopado
Matapos mabalukan ang dila at malinis na mabuti ay ilagay sa isang palayok. Lagyan ng isang tasitang suka, dalawang pusong bawang na inihaw.
Magdikdik ng labindalawang butil na paminta, apat na “clavo de comer,” katiting na kanela, at ilang bawang na inihaw. Tunawin sa kaunting tubig at saka isamang ihalo bago takpan ng isang “papel destrasa” at sa ibabaw nito’y isang palayok na maliit na may lamang kaunting tubig na pangbanto, kung sakali’t natutuyuan.
Anupa’t pag-ingatan mapatlangan ng kulo, at lutuin mula sa hapon nang may katiting na gatong; haluan pagkatapos ngisang tasita at kalahati ng “aceite de oliva” at isang kutsarang mantika, at pabayaan hanggang sa maluto.