Dalag
Carnivorous freshwater mudfish, often dark in color.
Black snakehead fish: Channa melasoma
Striped snakehead fish: Channa striata
The simplest way to cook this is by frying.
Bulanglang na Dalag
Mag-ihaw ng dalawa o tatlong dalag na katatagan ang laki. Pagkaluto ay alisin ang apdo at bituka at ang kaliskis na nasunog. Maglaga ng mga hiniwang gulay na papaya, talong, ampalaya, sitaw, patola at sigarilyas. Lagyan ng isang kutsarang bagoong na alamang. Kapag kumulo na, ihulog ang inihaw na isda. Huwag hahaluin at padiin-diin lamang hanggang sa maluto.
Burong Dalag
Magpirito ng bawang at sibuyas sa mantika at kung mapula na ay ilagay ang burong dalag. Lagyan ng kaunting tubig na sabaw. Kung kulang sa asim at sa alat, lagyan ng kaunting suka at asin.