Buko at Habitsuelas
Recipe in Tagalog. English translation with photos to be posted soon!
1 tasang buko, hiwain
1 tasang gata ng niyog
2 tasang sabaw ng baka
1 kutsarang mantika
1 butil na bawang
1/2 tasang habitsuelas, hiwain nang pino
1 kutsaritang asin
paminta
Ipirito ang bawang at hanguin sa mantika kung mapula na. Ihalo ang sabaw at pakuluin. Isama ang gulay at lutuin hanggang maluto. Papatakin dito ang buko. Pakuluin nang mga 2 minuto. Isama ang gata ng niyog at pakuluin. Hanguin agad sa apoy. Ihaing mainit.