Budin
Paano gumawa ng budin?
Budin ng tsokolate
Sa bawa’t kalahating basong gatas o tubig ay apat na onsang tsokolate (8 kutsarang malaki), pitong itlog, kalahating librang asukal, at kaunting kinaskas na dayap ang isama.
Batihing bukod ang pula at puti ng itlog. Ito’y sasabuling mabuti hanggang magpuntong merengge. Haluan ng unti-unting asukal at kinaskas na balat ng dayap at saka paghaluin ang pinaghiwalay na pula at puti ng itlog.
Pagkatapos ay isama ang tsokolate at ilagay sa hulmahang tinigmak ang loob ng arnibal, bago iluto sa “baƱo de maria” at sa ibabaw ay isang takip na lata na may baga.
Ang pagkilala ng kalutuan nito ay kapara din ng leche plan.
Budin ng kalabasa
Maglaga ng kalabasa at salain.
Magbati ng itlog at bayaang mapahalo at lagyan ng binayong kanela, asukal at mantikilya
Pagkatapos ay hahaluin at ilagay sa hulmahan. Matapos mapahiran ng mantikilya ay ipasok sa hurno o iluto kagaya ng pagluluto sa bibingka.