Barkilyos
From the Spanish word barquillos, meaning “wafer rolls” or “rolled wafers.”
MGA SANGKAP
3/4 na tasang gatas
5 pula ng itlog
1/4 tasang binithay na harina
Asukal pampalasa
Balat ng kalamansi
PARAAN NG PAGGAWA
- Ihalo sa gatas ang pula ng itlog na bahagyang binati.
- Idagdag ang tinimplang ito sa harina para makagawa ng pinong timpla ng harina.
- Idagdag ang asukal at pinulbos na balat ng kalamansi.
- Langisan sa magkabilang panig ang bakal na hulmahan ng barkilyos (barkilyera) at painitin sa katamtamang init ng apoy.
- Hulugan ng isang kutsarang tinimplang harina ang gitna ng mainit na bakal, paglapatin ang bakal na malapad.
- Painitin ang bakal sa magkabilang panig para mamula-mula ang apa.
- Gumamit ng nilangisang kahoy na hugis apa para hulmahin ang barkilyos samantalang mainit pa at malambot.
barkilyos = barquillos
barkilyera = barquillera
This barquillos recipe will be translated into English after the website upgrade.
Photos will be added as well. Please check back soon! Thank you ~