Albondigilyas
This is from the Spanish albondiguillas, which are meatballs.
MGA SANGKAP PARA SA ALBONDIGILYAS
2 tasang karneng giniling
5 kamatis na tinadtad
1 sibuyas na malaki
2 patatas
5 kutsarang mantika
2 itlog ng gansa o kaya’y pato
2 butil na bawang at kaunting paminta
Pagkatapos na magiling ang karne ay timplahan ng asin at paminta. Magbati ng itlog at pagsamahin ang karne at ang itlog. Gawing tulad sa maliliit na bola-bola. Pagtapos ay prituhin at kung mapula-pula na ay hanguin.
Sa mantikang pinagprituhan ng karne at doon igisa ang sibuyas, bawang, at kamatis. Saka lagyan ng kaunting sabaw hanggang sa maging tulad sa salsa. Ihulog naman ang pritong karne at bola-bola at hayaan hanggang kumulo.
Kung luto na, eh di hanguin na.
English translation of this recipe will be posted after the website upgrade. Please check back!