Adobong Manok Na May Gata
Chicken Adobo with Coconut Milk
MGA SANGKAP
1 manok na dumalaga
1 puswelong kakanggata
5 butil na bawang
1 puswelong suka
1 kutsarang pamintang buo
1 dahon ng laurel
mantika, asin
PARAAN NG PAGLULUTO
Paghiwa-hiwain nang 2 hanggang 3 pulgadang laki ang manok.
Palambutin sa suka, bawang, asin, paminta, at kaunting tubig na sinamahan ng dahon ng laurel.
Kapag malambot na ang manok, alisin ang sabaw at ibuhos sa manok ang gata.
Pakuluin hanggang sa lumapot ang gata.